Advertisers
NASAWI ang dalawang babaeng miyembro ng New People’s Army, at isa ang nahuli sa mahigit 30 minutong engkuwentro sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng Philippine Army sa Barangay Del Pilar, Naujan, Oriental Mindoro nitong Miyerkules.
Nagsimula ang bakbakan 1:30 ng hapon sa pagitan ng mga tauhan ng 76th Infantry Battalion ng Phil. Army at mga hinihinalang kasapi ng NPA na nasa ilalim ng lider na kilala bilang “Ka Floro.”
Ayon kay Brig. Gen. Melencio Ragudo, commander ng 203rd Infantry Brigade, pinaniniwalaang mga estudyante ang dalawang nasawi. Isa pang hinihinalang babaeng rebelde ang naaresto sa engkuwentro. (Mark Obleada)