Advertisers

Advertisers

2 HIGH-EXPLOSIVE RIFLE GRENADE, NATAGPUAN SA RUNWAY NG VIRAC AIRPORT

0 7

Advertisers

Isang puting bag na natuklasan malapit sa Runway 06 ng Virac Airport ang nag-udyok ng agarang pagtugon sa seguridad matapos na matagpuan sa loob ang dalawang high-explosive rifle grenade noong Agosto 3, 2026.



Batay sa ulat ng pulisya, habang nagsasagawa ng topographic survey para sa extension ng runway ng paliparan, nakita ng dalawang surveyor ang bag. Sa pagkilala sa posibleng panganib, agad nilang ipinaalam sa mga tauhan ng seguridad sa paliparan, na pagkatapos ay nakipag-ugnayan sa Virac Airport Police Station at sa Regional Explosive Ordnance at Canine Unit 5.

Mabilis na sinigurado at kinordon ng mga rumespondeng pulis ang lugar at pagdating ng Provincial Explosive Ordnance and Canine Unit (PECU) Catanduanes ay agad na isinagawa ang Render Safe Procedure (RSP).



Gamit ang pick-up at carry-away method, ligtas na natanggal ang dalawang high-explosive rifle grenade at naihatid sa PECU Office sa Catanduanes Police Provincial Office para sa kaukulang disposisyon.

Sa pahayag ni PBGEN Dionisio B Bartolome Jr, Director, PNP AVSEGROUP, ang insidenteng ito ay ipinakita ng mga pulis at airport security personnel ang kahalagahan ng maayos na koordinasyon, pagiging alerto at handang kumilos sa anumang sitwasyong maaaring magdulot ng panganib sa ating mga paliparan. (JOJO SADIWA)