Advertisers
BAGO ang lahat, isa munang pahayag: Kasalukuyan kong binubuo at tinatapos ang aking pang-apat na aklat. May pansamantalang pamagat ang aklat at maaaring mapalitan habang isinusulat ko: MISFIT SARA The Life and Times of Sara Duterte; Impeachment Trial at the Senate.
May pito o walong tsapter ang aking isinusulat na aklat. Maaaring matapos sa Nobyembre at planong kong malimbag bago matapos ang taon na ito. Kasama sa aklat ang talambuhay ni Misfit, ang kanyang pag-angat sa pulitika ng bansa. Pero nakasentro ito sa kasalukuyang impeachment trial niya sa Senado.
***
HINDI tapos ang impeachment trial kontra Misfit Sara sa pagkakatanggal niya sa puwesto bilang pangalawang pangulo at diskwalipikasyon niya sa mga susunod na halalan. Mas makatotohanan ang endgame, o huling yugto ng laban, kung sasampahan siya ng asuntong kriminal sa husgado.
Sa kawalan ng katanggap-tanggap na katwiran sa kapalaran ng P612.5 milyon na confidential fund na ipinagkatiwala kay Misfit Sara, hindi malayo ang pagsasampa sa hukuman ng sakdal na plunder, o pandarambong, laban sa Misfit. Hindi sapat na ibalik niya ang dinambong na salapi. Kailangan managot siya dahil salapi iyon ng bayan.
Mas makatotohanan kung makukulong ang palalo at aroganteng anak ng bastos at walang modo na si Gongdi. Makatotohanan kung sabay silang sumagot sa mga kasalanan na ibinintang sa kanila sa magkahiwalay na hukuman.
Mamamatay tao si Gongdi at kailangan sagutin niya ang mga sakdal na crimes against humanity na isinampa sa International Criminal Court (ICC). Mandarambong si Misfit Sara at marapat na personal niyang sagutin sa hukuman ang paratang na plunder laban sa kanya.
Hindi lang si Misfit ang dapat humarap sa hukuman. Marapat rin humarap ang mga alalay niya tulad ni Gina Acosta at Edward Fajarda na tumulong sa kanya na dambungin ang salapi ng bayan. Marapat mahubaran ang mga opisyal ng militar na kinilalang tumanggap ng pera.
***
ISINULAT ang sumusunod noong isang araw sa social media. Pakibasa …
INFERIOR DAVAO: INFERIOR IN THOUGHTS, IN WORDS, AND IN DEEDS. MATALIM ANG DILA PERO MAPUROL ANG DIWA. TRAYDOR, TAKSIL SA BAYAN, AT MAKAPILI
MAHIGIT sampung taon ko ng ginagamit ang pariralang INFERIOR DAVAO upang tukuyin ang uri ng liderato at pag-iisip mayroon ng ruling elite ng Davao City. Hindi ko layon na libakin at laitin ng uri ng pag-iisip mayroon sila doon kundi bigyan ng liwanag na hindi naaayon sa kabihasnan ang takbo ng pag-iisip nila. Kaya may karugtong ang Inferior Davao. Inferior in thoughts, in words, and in deeds. Matalim ang dila pero mapurol ang diwa.
Sagot ko rin ito sa kanilang bintang na “Imperial Manila” daw tayo dahil palagi sa Maynila ginagawa ang mga desisyon ng bansa.
Halos sampung taon ko na rin tinalakay ang isyu ng Imperial Manila. Sinabi ko noon na kapag sinabing Imperial Manila, hindi lang Metro Manila ang sakop nito. Kasama na sa Imperial Manila ang mga lalawigan sa norte o Ilocandia at Cagayan pababa sa Central Luzon, Southern Tagalog, at Bicolandia. Kasama rin ang Western Visayas at Waray country.
Malaki na ito at kasama ang mahigit sa kalahati ng bansa. Hindi ko isinama ang Bisaya country tulad ng Central Visayas at Mindanao dahil sila ang nagpuwera sa sarili nila. Hindi lang kasi political ang Imperial Manila kundi one big cultural unit.
Kamakailan, labis na kumampi ang mga taga Inferior Davao sa China upang maramdaman at mahalata na kinakatawan nila ang interes ng China sa bansa. Kaya idinugtong ko ang masakit na bintang na Inferior Davao, traydor at taksil bayan, Makapili.
Diyan umimbulog ang pariralang iyan. Ipinaramdaman nila na hindi sila kasama sa bansa. Iba sila. Hindi sila Filipino. Hiningi nila, puwes, ibigay.
Tanong: May magaling na taga-Davao City? May nangingibabaw ba ang katalinuhan at bigat ng katwiran? Hindi ba puro lang sila ingay, kamangmangan, at katangahan sa maraming isyu ng bansa? Nakaloko minsan si Gongdi pero nasaan siya?
Siya ang naisahan at nabubulok sa piitan ng ICC.
***
MGA PILING SALITA: “UNSUSTAINABLE. What is currently taking place – whether we like it or not – is simply unsustainable even in the short term. We can’t afford to remain a divided nation. Somewhere, somehow, and sometimes we have to unite and move as one. We have to get our acts together. Civilization is like a stream flowing in a single direction. We can’t afford to go against the tide, the march of history. We can’t afford to be left behind.” – PL, netizen, kritiko
“If a litigant attacks the integrity of the court, that actually constitutes not just violation of the sub-judice rule, but even an act that’s considered as a contempt of court or contemptuous.” – Atty. Benjamin Tolosa, Private Prosecutor
“Kung ano man maging decision ng Impeachment Court, sa dulo ang dating sa ating ibang mga kababayan lalo na sa taong maaaring naniwala sa statement niya, na marred daw by bending the law itong proceedings na ito, ay hindi nakabatay ang desisyon na yan sa ebidensya at mukhang maraming naging iregularidad na nangyari sa paglilitis kaya nagkaroon ng paghahatol na if ever, may be adverse to her.” – Atty. Benjamin Tolosa, Private Prosecutor
“Unfair naman sa SDO, kay SDO Gina Acosta, kay SDO Fajarda, kung sila, if all the blame should be directed at them.” Kin. Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng Prosecution Panel