Advertisers

Advertisers

DONASYON MENTALITY

0 4

Advertisers

BAKIT kapag may krisis o kalamidad ay mayroong nakakaawa pero may mga natutuwa?

Ganyan sa bayan ni Juan na lagi na lang sinasalanta ng bagyo,tagtuyot, baha, peste,putok ng bulkan,atake ng mga rebelde at kung anu-ano pang sakuna na nagdudulot ng perwisyo at buwis -buhay sa mga biktima at apektado.

Pero sa kabila ng hinagpis ay may mga nagagalak pa sa nagaganap na krisis,iyong mga kumikislap ang bombilya sa ulo sa ideyang makikinabang siya sa mga sumisigaw ng ‘tabang!’.

Pansariling bulsa at pulitikal,gagamitin ang masamang pangyayari para makayari ng pera mula naman sa mapepera.

Klasik dito ang gawain ng ilang institusyon na gagamitin ang kanilang foundation para mangalap ng donasyon kung saan ay milyon ang dumarating at natatanggap na pera at iba pa mula sa loob at labas ng bansa upang sa kanila ipadaan ang tulong sa mga nasalanta.

Dahil sa kanilang network,madaling maipatunay sa tri- media na namahagi sila ng ayuda sa mga napinsala daw pero mabibilang sa daliri ang lugar na pinamudmuran ng ‘tabang’.

Wala namang batas para i-audit ang donasyon kung saan nagamit.

Bultu- bulto at limpak- limpak ang ayuda mula ibang bansa pero dahil dumaan pa ito sa mga switik pumitik,karampot at supot na lang ang natatanggap ng mga biktima ng salot.

Award- winning dito ay ang mga mahihilig umepal na epalitiko na lagi raw silang nauunang dumating sa lugar ng negatibong pangyayari upang dumamay sa mga tinamaan ng kalamidad at palitawing inutil ang ibang maepal din para sila lang ang lekat na sikat.

Walang hiya at takot na Ipanghihingi rin ang nakakatakot na insidente, ng donasyong sila lang ang hahakot ng ayuda para sa sariling bulsa at sikat pa sila dahil pinalilitaw pang sila lang ang pag- asa kapag ang nature ang nanalasa.

Puhunang- pulitikal din dahil sa halip na ipamudmod ang ayuda ay ilalagay sa kanilang alkansiya para sa susunod na kampanya.

May propaganda pa ang mga magaganda sa panlabas na anyo pwro pangit ang kalooban,na itataas ang pamumuhay ng lahat pero sariling bangko ang iniaangat sa panghikayat ng financial na tulong in aid of donation.

Pero me katapusan din ang mga kabuktutan. Tri- media lang kasi noon.Ngayon panahong may social media na,bistado na ang mga utak- donasyon.

Baka isang araw ,sa halip na matutuwa sila sa na- monitor ng ka nilang radar na may parating na sungit ng panahon,ngising ‘taning na naman sila dahil maliwanag na naman ang buhos ng ayuda ,pero sa kanilang mga demonyo pala tatama ang delubyo at katastropiya.

Sila naman ang ipanghihingi ng relief goods ng mga panibagong tirador na walang hoods.Ayon nga ng masamang pahahon sa mga utak- donasyon,WEDER-

WEDER lang brader… ABANGAN!

***

BUWENAMANONG PANALO PARA SA ATING MGA BATANG BEISBOLISTA!

UNANG salang pa lang ng hatawan,tinalo ng Pilipinas ang Pakistan, 10–2, upang maitala ang buwenamanong panalo nito sa 2026 XII BFA U-12 Asian Baseball Championship. Pinangunahan ni Leone Aramis De Vera ang depensa ng Pilipinas matapos magpitch ng 4.1 innings, apat na strikeout, at isang earned run lamang ang ibinigay mula sa apat na hits. Tinapos naman ni Brent Nicollo Soledad ang laro sa 1.2 scoreless innings na walang pinahintulutang hit.

Sa opensa, nagtala ng tigalawang RBI sina De Vera, Soledad, at Jan Ezekiel Peña, habang nagdagdag ng isang RBI si Max Deinielle Barcena. Nakagawa ang Pilipinas ng 11 hits at pitong runs sa unang inning upang maagaw kaagad ang kontrol sa laro.

Bilang ikatlong puwesto sa Group A, makakaharap ng Pilipinas ang ikatlong puwesto sa Group B sa placement round kahapon as of presstime Ang magiging kalaban ay malalaman matapos ang laban ng South Korea at Hong Kong.