Advertisers

Advertisers

PAGGAMIT NG MGA KABAONG LABAN SA CHINA, NAKAKAHIYA PARA SA BANSA; MAY PAKINABANG BA ANG PILIPINO DITO?

0 5

Advertisers

Tila may mga tagong kamay talaga na gumagalaw para tuluyang sirain ang relasyon ng Pilipinas at China.

Pruweba niyan ang kelan lamang ay pagpapakalat ng mga kabaong sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila, kung saan nilagyan pa ng litrato ng mga Chinese leaders sa loob, pati na din ng bandera ng China at mga banner na me slogan laban sa gobyerno ng China at maging sa Communist Party of China.

Kasama sa mga lugar na ‘yan ang mismong labas ng lokasyon ng Chinese Embassy consular section kaya naman pumalag ang Chinese Embassy at humiling sa ating gobyerno ng imbestigasyon na, sa ngayon, ay tila wala pang nangyayari sa kabila nang August 7 pa nangyari ang mga pag-iwan ng kabaong.

Maaring isang banta ang nangyari o di kaya ay sadyang panunuya lamang para sa ilang tao na may personal na agenda, pero sa kabuuan, hindi ito maganda para sa reputasyon nating mga Pilipino na kilala sa buong mundo dahil sa ating ‘hospitallity’ o pagpapakita ng magandang pagtrato sa ating mga bisita.

Isinama ang larawan ng mismong Chinese Ambassador sa kalokohan. Kasalukuyang nasa bansa ang nasabing Ambassador.

Kung gawin kaya ng China ‘yan sa ating Ambassador na nasa Beijing or magpakalat din sila ng kabaong na me larawan ni Marcos o sinumang naging Pangulo ng Pilipinas, di ba’t sasama din ang loob natin at magagalit tayo?

Ang awayan sa West Philippine Sea ay isang sangay lamang ng kabuuang relasyon ng Pilipinas sa China na bumilang na ng siglo. Hindi ang pambababoy sa mga opisyal ng China ang paraan para lutasin ang gusot.

Ang hirap niyan, may mga sektor na inuunahan pa ang ating foreign affairs officials kung ano ang dapat gawin. Tila ayaw nilang maayos ang gusot sa pagitan ng dalawang bansa at ang gusto nila ay away.

Naisip kaya ng mga nag-uurot ng kaguluhan na pag nagkagulo ay kawawa ang ating bansa at mga walang muwang na higti na nakararaming mamamayan?

Kung mano-mano, armas at teknolohiya, hindi tayo mananalo. Maski nga tao-tao, may biruan noon pa na pag sabay-sabay umihi ang mga taga-China ay baka malunod tayo, dahil sa dami ng kanilang populasyon na bilyon kumpara sa atin.

Pag nagka-giyera, di na barilan ang labanan kundi nuclear na. Sa totoo lang, di naman natin tatalunin ang China diyan.

Sana, isipin din ng mga nagpapagulo sa relasyon ng Pilipinas at China ang kapakanan ng mga overseas Filipino Workers (OFWs) natin doon pati na din ang mga pamilya nilang umaasa sa kanila.

Dati, nabanggit ni President Rodrigo Duterte ang posibilidad ng isang joint exploration sa WPS para kahit papaano ay makinabang ang dalawang bansa pareho kaysa mag-away.

Sa laki ng utang ng ating bansa at hirap ng buhay dito, mas maganda kung magkaroon ng mas maraming kaibigan ang ating bansa kesa kaaway.

Sino ba makikinabang kapag inaway natin ang China? Ano mahihita ng mga ordinaryong Pilipino? Uunlad ba sila o ang bansa? Sana isipin ng mga nag-uurot ng away ang kapakanan ng mga kababayan nila at di lang ang pansariling interes nila, kung anuman ang napapala nila sa ginagawa nila.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.