Advertisers

Advertisers

John Prats at Heart Evangelista tinuloy ang labtim after 23 yrs

0 7

Advertisers

Ni Anne Venancio

Posibleng muling magsama sa isang proyekto sina John Prats at Heart Evangelista matapos ang mahigit dalawang dekada mula nang sumikat ang kanilang tambalan bilang “John-Hart.”

Ayon sa aktor at direktor, layunin nilang mapasaya ang kanilang mga tagahanga na matagal nang umaasang muling mapapanood sila.

“Fan service talaga para sa John-Hart fans,” maikling pahayag ni Prats.

Naging mainit din sa social media ang muling pagkikita nina John at Heart nang dumalo sila sa birthday celebration ng isang kaibigan noong Agosto 4 kung saan nag-duet sila ng “Please Be Careful With My Heart,” na una nilang kinanta bilang magkatambal noong 2003.

Naki-jam din sa kanila ang kaibigan nilang si Sam Milby. Tumugtog ng drums si Prats, habang naggitara naman si Milby. Present din sa event ang asawa ni John na si Isabel Oli, at magkakasama silang nagpa-picture.

Pareho nang may kanya-kanyang pamilya sina Prats at Heart at kapwa patuloy na matagumpay sa kanilang showbiz careers.

Umaasa si Prats na maisasakatuparan ang kanilang bagong proyekto bago matapos ang 2026.

***