Advertisers
By Rommel Gonzales
Mga bida ang mga Korean stars na sina Nam Woo Hyun, Han Jae Syok, at Park Eun Hye sa upcoming film na The Guardian.
May mga Pinoy actors rin sa pelikula tulad nina Yassi Pressman, Joko Diaz, Jeric Raval, Ashtine Olviga, at sina Wilbert Ross at Eric Ejercito na nasa mediacon ng nabanggit na pelikula ng international production na Noori Pictures with Parallax Studio, Inc. at Robosheep Studios.
Nasa mediacon rin na ipinatawag ng Viva Films sina Wesley Villarica ng Parallax Studio, Inc. at Micah Fernandez ng Robosheep Studios.
Dito sa Pilipinas kinunan ang pelikula at naikuwento ni Wesley ang mahal na singil sa isang barangay.
“Yung mga barangay tanod pa yung nagpapahirap. Kasi, let’s say, ang barangay tanod sasabihin, ‘Ah, gusto nyo, tulungan namin kayo, kailangan bayaran niyo kami ng ganun.’
“Tapos biglang naging double, magiging triple yung babayaran. Bakit ganun? Parang pahirap naman, di ba? So yun ang na-experience namin.
“Sabi na lang namin, like moving forward to the other locations, ‘Ah, small project lang ito, para hindi kami tatagain.
“Tinataga ka, e, pag nalaman nilang international ka. Taga! Automatic!”
Napuri naman ni Wesley ang Quezon City.
“Pero some LGUs naman were very very helpful.
“So, I think it really depends on where, ah, siguro which area and how willing the people really to help.
“We’re very happy to work with Quezon City, actually, for this.”
Malapit sa puso namin ang QC dahil Councilor (ng District 5) si Aiko Melendez at Congressman (ng District 1) si Arjo Atayde na parehong mahal na mahal namin.
Samantala dito sa Pilipinas ay sa September 2 mapapanood sa mga sinehan ang The Guardian na ipapalabas rin sa iba-ibang bansa worldwide.
Ang nagdirek nito ay ang Korean director na si Jeaong Jang Hwan.