Advertisers

Advertisers

PBBM wala pang posisyon sa panukalang gawing non-bailable ang ilegal na pagmamay-ari ng baril

0 5

Advertisers

WALA pang posisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panukalang gawing non-bailable offense ang possession ng loose firearms, pero bukas ang Malacañang sa ideyang magpatupad ng mas mabigat na parusa sa ilegal na pagmamay-ari ng baril.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kailangan munang makita ng pangulo ang magiging bersyon ng panukalang batas bago siya makapagbigay ng pinal na posisyon.

Inihain ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang mungkahing gawing non-bailable offense ang possession ng loose firearms bilang hakbang para mas maprotektahan ang publiko.



Ayon kay Castro, kung ang layunin ng panukala ay gawing mas ligtas ang bansa at maprotektahan ang mga Pilipino, hindi ito hahadlangan ng pangulo.

Gayunman, kailangan muna aniyang pag-aralan ang magiging probisyon ng batas bago magbigay ng pinal na komento ang Malakanyang. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">