Advertisers

Advertisers

Aging rice isusubasta ng pamahalaan

0 7

Advertisers

TARGET ng National Food Authority (NFA) na makabili ng 500,000 metric tons ng palay sa darating na wet harvest season.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, sinabi ni NFA Administrator Larry Lacson na itinaas ng ahensya sa P27 kada kilo ang buying price para sa clean and dry palay, habang P21 kada kilo naman para sa fresh o wet palay.

Sinabi ni Lacson na layunin nitong mapataas ang kita ng mga magsasaka at mapalakas ang rice buffer stock ng bansa.



Samantala, inihahanda naman ng NFA ang auction ng humigit-kumulang 37,000 metric tons ng aging pero good-quality milled rice upang maiwasang maging unfit for human consumption ang mga ito.

Ani Lacson, layunin din ng auction na mapaluwag ang mga bodega bilang paghahanda sa paparating na wet harvest season.



Tinatayang 6.8% ng kinakailangang warehouse space para sa bagong ani ang maaaring ma-free up sa pamamagitan ng naturang stocks. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">