Advertisers

Advertisers

P2M kapalit ng PCAB at CIAP accredititation?:Proyekto ng gobyerno nanganganib sa 2,627 nakabinbin na aplikasyon

0 34

Advertisers

TUMATAGINGTING na dalawang milyong piso ‘di umano ang kapalit kung nais maaprubahan ng isang construction company applicant sa lalong madaling panahon ang kanilang application accreditation o renewal sa Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) at Construction Industry Authority of the Philippines (CIAP).

Ito ang impormasyong nakalap mula sa mapagkakatiwalaang source kung kaya’t umabot sa 2,627 pa ang nakabinbin aplikasyon ang hindi naaksyunan hanggang sa kasalukuyan batay sa datos na mula Enero 1 hanggang Agosto 12 ng taong kasalukuyan.

Ang 2,627 na nakabinbin ay pawang mula sa Regular license with government registration na may bilang 1,101, regular license without government registration 1,175, Government Registration 315 at Pakyaw license na 37.



Ang malungkot dito ay Pebrero pa nag-umpisang magsumite ng kanilang bagong aplikasyon at renewal ang ilan sa mga nakabinbin na aplikasyon.

Mula sa kabuuang 16,649 naisumiteng aplikasyon 2,322 dito ang hindi pa din natatanggap ng evalaution process at hindi pa narereview ng Executive Director.



Sa pahayag ng isang aplikante na tumangging magpabanggit ng pangalan ng kumpanya sa kabila ng renewal na lamang sila at ilan sa kumpanya na nag-aaplay ay pawang Triple A at Quadruple A ay talagang pinahihirapan sila at hanggang sa kasalukuyan ay hindi umaandar ang kanilang aplikasyon gayong tatlong board lamang naman ang magrere-review ng kanilang aplikasyon.

Sumbong pa ng kumpanya na hanggang hindi ka pumapayag na magbibigay ng dalawang milyong piso ay hindi umano aandar ang iyong aplikasyon.



Ang mahirap nito naapektuhan ang naturang kumpanya para sa kanilang negosyo at pagnanais na sumali sa mga bidding ng pamahalaan para sa mga proyektong pang-imprastruktura.

Pahayag pa ng source na tinatakot pa sila kung hindi sila makikipagtulungan ay dadaan sa butas ng karayom ang kanilang aplikasyon.

Batay sa datos PCAB noong taong 2022 ay umabot sa 25,508 ang processed apllication by apllicantion type kumpara sa taong 2026 na 14,920 para sa regular license , 21,410 noong 2023 at 12,027 taong 2026 para sa government registration, 4,541 taong 2022 at 1,240 para sa special license at 58 noong 2022 at 444 taong 2026 para sa pakyaw license ito ay sa pagitan ng buwan ng Enero hanggang Agosto 28 ng bawat taon .

Samantalang ang PCAB average processiing days by apllication type sa kabila ng pataas ang bilang ay napakarami naman ang nakabinbin ang aplikasyon.

Ipinagtataka din ng ating source na sa kabila ng kumpleto naman ang kanilang mga dokumento batay sa requirement na hinihingi at tamang proseso naman ang kanilang tinatahak ay bakit pa nagtatagal ang kanilang palikasyon at hingan sila ng tumatagingting na dalawang milyong piso na wala namang resibo.

Ang tanong tuloy ng mga aplikante alam kaya o may basbas ba nina PCAB Chairman Engr. Augusto C. Natividad at CIAP Executive Director is Atty. Mark Brian A. Dela Cruz ang hinihinging dalawang milyong piso.

At isa pang tanong ng nagrereklamo ay ano naman ang kinalaman dito ni Jacob ng PCAB sa naturang paghingi ng dalawang milyong piso. Kung dito pa lamang sa aplikasyon ng renewal ay kailangan na ang suhol ay tiyak na hindi din magiging magandang turo ito para sa mga construction company na nag-re-renew ng kanilang lisensya.

At baka pag nakakuha sila ng proyekto ng gobyerno ay baka imbes na tama at serbisyo ang ibigay sa bansa ay baka maturuan pa natin sila ng korupsyon dahil sa lagay system na ito na tila taliwas sa programa ng kasalukuyang adminitrasyon na nais sugpuin ang anumang korupsyon sa pamahalaan.

Dahil dito nanawagan ang mga mga construction company kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr, at maging kay Department of Trade and Industry Secretary Ma. Cristina Aldeguer Roque na kung saan nasa ilalim niya ang CIAP na sana ay bigyang pansin ang kanilang problema at bigyan ng agarang aksyon sa lalong madaling panahon upang sa ganoon ay makapaghatid serbisyo na sila sa bayan at sambayang Filipino.

Hamon din ng grupo na ito ang tamang panahon upang lalo pang ipakita ng pamahalaan na talagang laban sila sa anumang korupsyon.

Nangangamba din ang mga construction company na kung magpapatuloy ito ay tiyak na malalagay sa alanganin at panganib nag mga proyekto ng pamahalaan dahil hindi ang mga magaganda at maayos na kumpanya ang makakagawa ng proyekto dahil sa nakabinbin na aplikasyon.