Advertisers

Advertisers

Aquino-era flood control master plan, sinisilip ng Marcos admin

0 4

Advertisers

SINISILIP na rin ng Marcos administration ang flood management master plan na inihanda noong panahon ng dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, kasabay ng isinusulong na pagpapatupad ng panibagong flood management plan ng pamahalaan.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nabanggit sa kanilang pag-uusap ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na binabalikan ngayon ng ahensya ang mga naunang flood control plans.

Kabilang dito ang tinatawag na Aquino-Singson Master Plan, na isinagawa noong nakaraang administrasyon.



Gayunman, sinabi ni Castro na sa ngayon, ang dokumentong hawak ni Dizon ay ang planong nakatuon sa mga major river basin.

Wala rin aniyang kopya ng kabuuang Aquino-Singson Master Plan ang nakarating sa Presidential Communications Office (PCO), bagama’t sinasabing na-turn over ito sa Duterte administration matapos bumaba sa puwesto si Aquino.



Patuloy namang tinutukoy ng pamahalaan kung paano magagamit ang mga naunang plano bilang bahagi ng mas malawak na hakbang upang matugunan ang problema sa pagbaha sa bansa. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">