Advertisers

Advertisers

Cayetano sa mga opisyal ng Taguig: Gawing inspirasyon ang kritisismo, lalo pang husayan ang serbisyo

0 3

Advertisers

Hinimok ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Biyernes ang mga opisyal ng Taguig City na ituring na inspirasyon ang mga kritisismo para lalong maging excellent ang lungsod at ang serbisyo-publiko rito.

“Let’s not get upset if anyone pushes us to be better, to do more. Kung may [nagagalit] kasi hindi pa perfect,” pahayag ni Cayetano sa pagdiriwang ng Councilors’ Week sa Taguig nitong September 4, 2026.

“Let’s be upset if it’s a witch hunt, if it’s a demolition job. Sobra ‘yon at mali,” aniya. “But let’s take it as an inspiration when people want to do it better.”



Pinasalamatan niya ang mga opisyales ng lungsod sa “pagtatanim nang tama” na nagbunga ng malaking pag-unlad sa Taguig sa loob ng maikling panahon.

“While we’re not perfect, the present mayor, kayo po (councilors), and many many of our previous officials ay nagtanim ng maganda sa Taguig. Nagtanim ng vision, nagtanim ng pangarap, nagtanim ng tama sa edukasyon, sa kalusugan, nagtanim ng righteousness.”



Maging sa pagkontrol sa baha ay malayo na rin aniya ang narating ng Taguig kahit pa hamak ang laki ng sakop na lupa nito kumpara sa ibang mga lungsod sa Metro Manila.

“Ang layo na ng [naging improvement] ng baha sa Taguig. Dati three to four months, hanggang leeg,” kwento niya.



Sa kabila ng mga pag-unlad, hinikayat niya ang mga opisyales na laging sikaping maging “excellent” at laging mag-“remake” gaya ng Singapore, na lagi aniyang numero uno pagdating sa maraming human development index gaya ng kalusugan, edukasyon, at seguridad.

“Nasanay sila na parating excellent. So kahit na excellent daw, they still demand more,” kwento ng dating Foreign Affairs Secretary. “Wala pa ako nakitang Singapore official na nasabing napapagod na ako. They take it as a challenge.”

Para magawa ito, ibinahagi ni Cayetano sa opisyales ng Taguig ang konsepto ng “one audience.”

“One audience lang, which is God. Then trust God that the public will eventually see it,” aniya.

“So Taguig might not be fully appreciated now, but let’s turn this trial and struggle into an opportunity,” dagdag niya.