Advertisers

Advertisers

GOLDEN BOY CALOY, LABAN LANG!

0 29

Advertisers

DOUBLE GOLD VICTORY the second time around mula Kay CARLOS EDRIEL YULO para sa Sports history ng Pinas thru Gymnastics Association of the Philippines (GAP).

Yes, muling nakasungkit ng twin gold medals si CALOY sa Aichi. Nagoya Japan, first ever din ng Pinas sa ginanap na 2026 Asian Games.

Very first double gold ni CALOY ang naibulsa mula sa 2024 Paris Olympics, first ever din ng Pinas in about a century. Sa Asian Games, mula imbalance/fall sa umpisa hirit ito sa Subdivision 2, hinablot ang magkasunod na gold sa Men’s Floor Exercise, 14.666 at Vault 14.599. Tumataginting na Php4M ang incentive from RP Republic Act 10699, 2M per gold award, 1M for silver at bronze Php400K. Idagdag pa ang mula sa ibang ahensya at sponsors.



Iba ang gilas ni Golden Boy sa determinasyong mag-shine ang Pilipinas sa world stage despite the mess na dulot ng YULO family feud na ginagatungan ng bashers mula sa pagtatakwil ng inang si ANGELICA POQUIZ YULO, sininisiraan sa publiko ang anak dahil kumawala sa poder nang simutin niya reportedly ang Php 11M plus GAP allowances nang walang alam ang anak.

Pabalik-balik ang bashers mostly parents na kakampi ng ina sa pag-down at pagwish ng karma sa kampeon, pero itsurang challenge lang at ibang uri ng laban para rumesbak si CALOY thru bringing home the bacon. Kasama nya na si KARL ELDREW, younger brod na umalis na rin sa poder ng ina for the same issue, hawakan ang ATM ng anak at kontrolin ang lovelife.



SABAY sa effort at practice, magkasama ang magkuya sa Nagoya Asian Games at kapwa nagbitbit ng panalo, bronze medal for ELDREW with Php400K incentive, habang kapwa binabato ng bashers. Sad ..but tagumpay ang ending para sa karangalan ng Pinas na hair-raising ang pagbandera ng Philippine flag at pagtugtog ng Lupang hinirang sa international event. Whew!

***



SPORTS ANG FOCUS

Paulit-ulit ang isyu na itinakwil ng ina si CALOY dahil pinili ang fiancee, si singer/socmed influencer CHLOE SAN JOSE na suporta since itakwil at kalabanin publicly ni ANGELICA, mula sa isyu ng pagsimot sa Php11M, ibinili umano ng property pero lumutang din ang isyu na nagsugal sa Casino ng Solaire at Okada, Japan. Magbitbit man ng tuloy na panalo si CALOY, bashing at hindi suporrta sa bayan ang ganti ng ilan, this time to both/magkuya. Up to age 24 pa ang suporta ni CARLOS sa pamilya ayon sa isyu, legal age na dapat suportahan at ihanda sa sariling future and family life, tutal graduate na as Sports scholar sa Japan, with Associate Degree in Literature, (2022)..pero inuubos pala ng ina ang Php11 M without consent, buking sa bank notice may CARLOS, so there! Update sa isyu, wala na rin sa poder ng ina si ELDREW, at age 18, may mga panalo na at ipon, same story. sa nanay ang ATM at kontra sa gf.

Well, isyu po yan pero sana huwag idamay ang goal ng magkapatid na maging Sports heroes ng bansa. Sports ang focus ng YULO athletes at obvious na super galing si CARLOS, sa halip magpaapekto, bagong double gold medals ang hatid na walang ibang atleta natin ang nakagawa. So, “Golden Boy CALOY, Laban lang!” ang sigaw ng fans, followers & supporters particular sa socmed. Promising gymnast naman si ELDREW habang aspiring gymnast si ELYZA, Yun po sana ang makita ng bawat Pinoy. Pray lang!
***
SPECIAL CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to MEDIA Bro MIKE SANTOS (USA based), AHRON JAY SANTOS (Bataan) and BABY SHEILA DOBLON VALERIO. (San Narciso, Quezon/Barangka, Mandaluyong City). MBTC & Best blessings! HAPPY READING!