Advertisers

Advertisers

Alex Eala babalik sa WTA Tour

0 23

Advertisers

MABILIS na bumabalik si ALEX Eala matapos mabigo ang kanyang pagsubok na makakuha ng gintong medalya sa Asian Games sa Nagoya, Japan, at itinututok na niya ang buong pansin sa kanyang paparating na pagbabalik sa WTA Tour.

Kailangang mabilis na makalimot ng Filipina na manlalaro ng tennis sa kaniyang nakakadismayang kampanya habang naghahanda siyang lumahok sa Wuhan Open sa China mula Oktubre 12 hanggang 18, kasunod agad ng Ningbo Open, na gaganapin din sa China, mula Oktubre 19 hanggang 25.

Nalasap ni Eala ang mahirap na pagkatalo na 6-3, 3-6, 2-6 laban kay Wang Xiyu ng China, kaya nakakuha na lang nya ang bronze medal. Sa kabila ng pagkatalo, labis ang kaniyang pasasalamat sa mga sumuporta sa kaniya, at binigyang-diin na ibinigay niya ang lahat ng kanyang makakaya sa court laban sa kanyang kalabang Tsino.



Sa pagbabalik-tanaw sa kanyang stint, nananatiling positibo si Eala tungkol sa karanasan, binibigyang-diin ang mahahalagang aral na natutunan at ang partikular na bahagi ng kanyang laro na plano niyang pag-ibayuhin sa hinaharap.

Ang pagbagsak niya ay sobrang nakakadurog ng puso dahil pumasok si Eala sa torneo bilang No. 1 seed at pinakamataas ang ranggo na manlalaro, kaya siya ay paborito para sa championship. Bukod pa rito, pinili niyang laktawan ang WTA 1000 Beijing Open—isang obligadong WTA event—na naglagay sa kanya sa panganib ng parusa.



Gayunpaman, walang pagsisisi si Eala sa kanyang desisyon, taas-noo niyang ipinagmamalaki ang karangalan ng pag-representa sa Pilipinas sa isang prestihiyosong evento na ginaganap lamang tuwing apat na taon. Matapos makumpleto ang kanyang pambansang tungkulin, nakatuon na ngayon ang kanyang pansin sa paparating niyang propesyonal na iskedyul sa WTA Tour.