Advertisers
Ni Mercy Lejarde
Muling nagsanib-puwersa ang PlayTime Entertainment at Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa PMPC Star Awards for Movies 2026.
Ginanap ang signing ceremony sa PlayTime Entertainment Office noong October 1, 2026, kung saan nilagdaan nina PlayTime Entertainment President Crisanto Roy Alcid at PMPC President Fernan De Guzman ang partnership agreement.
Naging witnesses naman sina PlayTime Entertainment Spokesperson Adela Mae Marshall at PMPC Executive Producer Manuel Tan, na mas kilala bilang Jojo Mendrez.
Hindi na rin bago ang partnership ng dalawang panig dahil tatlong taon nang sumusuporta ang PlayTime Entertainment sa PMPC sa iba’t ibang awards format nito para sa Movies, Television at Music.
Ngayong taon, mas bibigyang-boses naman ang fans sa pamamagitan ng PlayTime Fans’ Favorite Award, kung saan sila mismo ang pipili ng kanilang paboritong pelikula.
“Proud moment ito para sa PlayTime Entertainment. Honored kaming suportahan ang PMPC Star Awards for Movies at i-celebrate ang galing at husay ng Philippine cinema. Gusto naming iparinig ang boses ng mga fans na siyang lifeblood ng showbiz,” ani Alcid.
Para naman kay De Guzman, natural na hakbang ang muling pakikipagtulungan sa PlayTime Entertainment.
“Thrilled kami na makasama ulit ang PlayTime Entertainment sa Star Awards for Movies ngayong taon. Three years na silang sumusuporta sa amin at sobra kaming thankful. Ang commitment nila sa entertainment at direct connection sa fans ay bagay na bagay sa goal naming gawing mas accessible at engaging ang awards para sa modern audience,” sabi ni De Guzman.
Bilang Official Entertainment Partner, pangungunahan ng PlayTime Entertainment ang PlayTime Fans’ Favorite voting campaign sa kanilang website na www.playtime.ph.
Magsisimula ang voting sa October 12 at tatagal hanggang October 21. Susundan naman ito ng vote counting at verification mula October 21 hanggang October 25.
Ang winners ng PlayTime Fans’ Favorite Award ay iaanunsyo sa PMPC Star Awards for Movies awards night sa October 25, 2026, sa Winford Manila.
Kaya mga Madlang People, ready na ang inyong boto dahil kayo mismo ang pipili kung sino ang magiging paborito ninyo sa pelikula ngayong taon.
***
ABS-CBN, Nag-uwi ng Bigating Parangal sa 29th KBP Golden Dove Awards
Muling kinilala ang mga programa at personalidad ng ABS-CBN matapos itong mag-uwi ng mga parangal sa 29th Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Golden Dove Awards na ginanap kamakailan.
Wagi ang “What Lies Beneath,” na pinagbidahan nina Charlie Dizon, Janella Salvador, Kaila Estrada, at Sue Ramirez, ng Best Drama Program for Television para sa kahanga-hangang kwento at mga bituin nito.
Pinangalanan namang Best Actor si Gerald Anderson, isa sa mga bida ng teleseryeng “Sins of the Father,” para sa kanyang husay bilang si Samuel Trinidad.
Binansagan ding Best Actress si Julia Montes para sa kanyang galing bilang Anna Sarmiento sa seryeng “Saving Grace.”
Nakuha naman ng “ASAP in England” ang Best Variety Program for Television na parangal para sa paghatid nito ng saya at star-studded performances sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at international audiences.
Sa larangan ng pagbabalita at serbisyo publiko, wagi ang “BINI Chapter 3: Hanggang Dulo,” na sinundan at inilahad ang journey ng nation’s girl group BINI, ng Best Special Program.
Samantala, pinarangalan din ang ABS-CBN News Documentaries ng Best Documentary Program for Television para sa makabuluhang investigative journalism nito, habang naiuwi naman ng “My Puhunan: Kaya Mo!” ang Best Public Service Program na pagkilala para sa mga kuwentong pangkabuhayan nito na nagbibigay pag-asa sa mga Pilipino.
Kinikilala ng Golden Dove Awards ng KBP ang mga natatanging personalidad, programa sa telebisyon at radyo, at serbisyo publiko sa bansa.