Advertisers
Ni Beth Gelena
Hindi maiwasang pagsabihan ni Alex Eala ang paghagis ng isang fan ng kanyang cap para lang mapansin siya ng sensational tennis star.
Viral sa social media ang clip video kung saan napansin ni Alex ang paghagis ng cap.
Dinampot niya ang cap at bumwelta sa nagbato.
Pinagsabihan niya ang fan na wag magbabato ng isang bagay para lang makapansin ng atensyon.
Nagsorry naman ang nagbato at pinirmahan ang kanyang cap.
Sa comment section ng entertainment website, nahati ang opinyon ng mga netizen tungkol sa ginawa ni Alex.
May mga nagsabing tama lamang na paalalahanan ng atleta ang fan na hindi magandang maghagis ng gamit sa isang tao para lamang makuha ang atensyon nito.
May ilan namang kumuwestiyon sa reaksiyon ni Alex at nagsabing maaari naman daw na hindi sinasadya ang pagkakahagis ng cap.
Ang iba ay nagsabing baka dala lamang ng pagod at emosyon matapos ang laban ang naging reaksiyon ng atleta.
Gayunman, may mga nagkomento ring nakapansin na hindi naman tumigil si Alex sa pagpipirma ng autograph sa mga fan.
Sa kabilang banda, may ilang komento ring nadala ang usapan sa pagkatalo ni Alex sa kanyang laban, habang mayroon ding nagsabing hindi dapat ikonekta ang resulta ng laro sa simpleng usapin ng pagrespeto at tamang paglapit sa isang atleta.
Sa huli, naging sentro ng diskusyon ng mga netizen ang fan etiquette, personal boundaries at tamang paraan ng paghingi ng autograph, lalo na kapag ang isang atleta ay kagagaling lamang sa isang laban.
Narito ang ilang komento:
“Typical pinoy. Bastos.”
“haler pano kung matisod kasi may naghagis. it can cause accidents duh”
“Bastos naman tlaga na ihahagis mo ung item sa player kahit sa mga artists”
“Mga enabler din kayo no? People need to be reminded of their manners. Sino bang matutuwa pag hinagisan ka ng bagay? And she said it in a nice way naman. Di naman bastos. Ayaw nyo lang talagang macallout ang mga matatanda sa kanila g maling ginagawa.”
Isang netizen ang nakakaintindi sa kalagayan ng mga atleta o mga artista.
“Athlete sya respetuhin ang kanyang boundary, may oras at tamang pag approach sa mga famous person. Although hinahangaan mo sila may hangganan at respeto sa pagka fan you don’t own them and they don’t owe you their time 24/7 na kailangan laging nasa mood pag may nag approach, napapagod din sila, wag masyadong entitled fan na pag di napagbigyan you bash them on soc med at may parinig pa on the spot, mga walang modo.”
“actually the guy who threw the Cap saved the day kasi if not for that nakaexit ni si Alrx without signing autographs. Sana be more accommodating. Steph Curry is even more famous and popular but he always finds time to sign autographs and greet fans before and after a game . – A witness and a worker from Chase”
“she won multiple times hindi lang basong tubig yun, it’s an ocean! Ikaw ano ambag sa Bansa?”
“Please watch the video and tell me again kung hindi sadya. Saka bakit need ihagis?”
“Sinadya talaga nung lalaki ibato sa kanya yung cap dahil gustong papirmahan. Pangalawang beses na nga nya tinapon towards Alex yun, yung una pinulot ng staff at binalik sa kanya, at yan yung 2nd time”
“obviously inihagis tlga nya tinamaan pa nga si alex pano mo saaabhing hindi sinadya. Ang brain ginagamit”