Advertisers

Advertisers

Drug pushers gamit na ang socmed at online payment

0 27

Advertisers

GINAGAMIT parin ng mga nagbebenta ng ilegal na droga ang mahahabang baybayin at mga ruta sa bansa pero may iba pa ngayong diskarte ang mga ito sa benta-han, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sinabi ni PDEA Spokesperson, Atty. Joseph Frederick Calulut, na mas marami nang tulak ang gumagamit ng internet, social media at online payment para sa kanilang ilegal na transaksiyon.
Ayon sa kanya, bagong hamon ito sa mga awtoridad. Kailangan anilang pagbutihin ang kanilang teknolohiya at kakayahan sa pag-iimbestiga.
Kaya may mga training ang PDEA at ang Philippine National Police tungkol sa cybercrime.
Pinapalakas din nila ang kanilang IT capability para labanan ang mga bagong banta.
“When it comes to dealing dangerous drugs, what has changed is their use of the internet. Social media is a big thing. They are transacting using payment schemes through the internet,” ayon kay Calulut.
Dagdag niya, ito ang mga bagay na nakikita nila nga-yon na sinasamantala ng mga nagtutulak ng ilegal na droga.
Pero kahit nagbabago ang galaw ng mga drug dealer, si-nabi ni Calulut na hindi titigil ang mga awtoridad sa laban kontra ilegal na droga.