Advertisers

Advertisers

NBI, tiwalang malinaw ang ebidensyang mayroon ‘misdeclarations’ ng ari-arian sa SALN ni VP Sara

0 26

Advertisers

KUMPIYANSA ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga ebidensya nitong nakalap patungkol sa umano’y ‘misdeclarations’ ng ari-arian sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam kay NBI Dir. Atty. Melvin Matibag, kanyang pinanindigan at iginiit na ang kanilang mga ebidensya ukol rito ay malinaw.

Batay kasi sa SALN ng ikalawang pangulo, ang idineklarang lote sa Brgy. Catigan, Davao City ay isang ‘agricultural land’ ngunit nang tingnan ay natuklasan meron umanong ‘helipad’ sa loob nito.



Bukod sa ‘helipad’, mapapansin at nakita din aniya na mayroon pang ‘farm to market road’ ito na natukoy sa ‘item 6 at 7’ ari-arian nakadeklara sa SALN ng bise presidente.

Kaya’t sinabi ng direktor na mas mainam personal nilang bisitahin ang naturang lote o ‘property’ matapos itanggi ng opisyal na kanya itong pagmamay-ari.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">