Advertisers
NAKITAAN ng mga red flags ang ilang farm to market road projects ng Department of Agriculture (DA) na balak pondohan sa susunod na taon.
Sa budget hearing ng ahensya, nasita ni Senate President Sherwin Gatchalian ang 29 na planong farm to market roads na pinapopondohan ng P660 million.
Ang mga red flag sa mga planong farm to market roads ay nakita sa Bataan, Tarlac, Isabela, Ilocos norte, Surigao del Norte at karamihan sa Nueva Ecija.
Tinukoy ng senador na may mga proyekto na pare-pareho ang project names at coordinates o lokasyon pero magkakahiwalay ang pondo at may mga magkakatulad pangalan ng proyekto pero magkaiba ang lokasyon.
Dagdag pa rito ang mga napunang magkakaiba ang project name, iisa naman ang lokasyon at hiwa-hiwalay ang pondo.
May mga proyektong popondohan ulit sa 2027 kahit napondohan na ngayong taon at mayroong nakadeklara ang proyekto na multiple phases o installment ang pagpapagawa kaya paulit-ulit ang funding.