MGA MAG-AALAGA NG BABOY SA NORZAGARAY, BULACAN, NAGPROTESTA; HINIHILING IBALIK ANG TARIPA AT ILIGTAS ANG KANILANG KABUHAYAN!
Advertisers
Nagkakaisang nagsasawa ng rally ang mga backyard hog raiser mula sa San Mateo, Norzagaray kasama ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) at National Federation of Hog Farmers (NatFed) nitong Miyerkules.
Ayon sa kanila, ang pag-aalaga ng baboy ang tradisyonal na pangunahing kabuhayan ng maraming pamilya sa kanilang lugar.
Ngunit mula sa humigit-kumulang 2,000 na pamilya, bumaba na ito sa mas mababa sa 1,000 dahil sa mababang presyo sa bukid at patuloy na pagtaas ng gastos sa produksyon.
Hinihiling nila sa gobyerno na agad na ibalik ang taripa sa baboy, suspindihin pa ang dagdag na pag-aangkat, at bigyan ng prayoridad ang lokal na industriya ng pag-aalaga ng baboy. (Edwin Moreno)