Advertisers
NAGPAHAYAG ng interes ang aktres na si Kris Aquino na maitalaga bilang kalihim ng Department of Health (DOH), kung magkakaroon siya ng pagkakataong maglingkod sa pamahalaan.
Ayon kay Aquino, nais niyang makatulong sa pagpapababa ng presyo ng mga gamot sa bansa, lalo na para sa mga Pilipinong nahihirapang tustusan ang kanilang pagpapagamot.
Ibinahagi rin ng aktres ang hangaring magkaroon ng mas abot-kayang gamot, kabilang ang posibilidad na mabawasan ang mga buwis na ipinapataw sa mga inaangkat na gamot.
“Alam nilang hindi ako magnanakaw and ‘yung mapababa lang ang cost ng gamot, ang laking bagay na. Maybe by not taxing the importation of medicine so high, we can already make it so affordable,” pahayag ni Aquino.
Gayunman, aminado si Aquino na hindi pa niya kayang gampanan ang ganitong responsibilidad dahil patuloy siyang nagpapagaling mula sa ilang autoimmune disease.
Sa kabila nito, sinabi niyang ang sarili niyang karanasan sa pagpapagamot ay nagbigay sa kaniya ng mas malalim na pag-unawa sa gastusin at mga hamong kinakaharap ng mga pasyente.
Sa ngayon, wala pang pormal na anunsiyo tungkol sa posibleng pagkakatalaga kay Aquino sa DOH.