Advertisers

Advertisers

NBI Region 3 pasok sa mga iligalista?

0 14

Advertisers

MARAMING residente mula sa Central Luzon ang nananawagan kay Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr., na pagtuunang pansin ang umano’y iligal na aktibidades ng ilang miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI) sa buong Region 3.

Sa halip kasing magtrabaho para labanan ang mga sindikato at masasamang loob, ilan sa miyembro nito ang hayagan kung magbigay ng proteksiyon sa mga iligalista sa probinsiya ng Bulacan, Bataan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga at Zambales.

Dahil dito, mahalagang tanungin ni NBI chief Atty. Melvin Matibag sina NBI Region 3 director Christoper Hernandez at Assistant Regional Director Vic Lorenzo kung bakit nakakaladkad ang pangalan ng kagawaran sa pagbibigay ng proteksiyon sa lahat ng iligalista.



Ang kapalit umano ng lingguhang ‘protection    money’ na tinatanggap ng   ilang personalidad gamit ang pangalan ng NBI Central Luzon ay malayang makapag-operate ng iligal nilang gawain ang mga sindikatong ito.

Mahalagang malaman din kung anong papel na gina-gampanan ng isang alyas “HPG Manny” na umano’y miyembro ng Highway Patrol Group (HPG) para manghingi ng tongpats kada linggo sa lahat ng illegal gambling, paihi, prostitusyon at kahit sugal lupa na sakla at perya.



Si HPG Manny, bukod sa NBI, ay ginagamit din ang opisina ng HPG upang ma-nguha rin ng “protection   money” para sa buong HPG at Police Regional Office (PRO) 3.

Ang nagsisilbing kolektor ni HPG Manny ay isang alyas “Patrick” ng Pampanga kungsaan umaabot sa P1 milyon weekly umano ang kanilang nakokolektang kotong.



Maganda ring magpaliwa-nag si NBI-Region 3 ARD Vic Lorenzo kung totoo bang siya mismo ang nakikipag-usap sa mga illegalista — bagay na dapat bigyang-linaw din ng opisyal upang hindi tuluyang masira ang kanyang pangalan.

Posible,, aniya, na may gu-magamit lamang sa  pangalan nito, bagaman ilan sa mga illegalista ang nagya-yabang na ‘pasok’ na sila sa NBI at wala nang sinumang makakabuwag pa sa kanilang illegal na aktibidades, lalo ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ilan sa illegal operators na hayagang magyabang na ‘nabayaran’ na nila ang ilang NBI ay sina Marlon at Imelda na may sindikato ng ‘paihi’ ng gasolina sa Orani, Bataan; gayundin sina Gie sa Tucop; Rap J ng Larac; Cris at Darwin ng Hermosa; Kap Lacey ng Manbog; Ren ng Samal; Ruby at Velasco ng Abucay, Malen ng Lamao at Pingay ng Limay, Bataan.

Sa sakla ay todo kamada rin ang ilang NBI personnel sa pangunguha ng tongpats sa mga iligalista na sina Dexter ng Angeles City; Jessie ng Tarlac; at Ricky G ng Concepcion.

May mga Perya rin sa Angeles City at Bulacan na parang mga kabute na nagsusulputan ngayon.