Advertisers

Advertisers

KONSEHALA SA PAMPANGA HULI SA ‘LAND SCAM’

0 20

Advertisers

INARESTO ang isang konsehal sa San Fernando City, Pampanga kaugnay ng mga reklamo ng panloloko sa bentahan ng lupa, kabilang ang alegasyon ng pamemeke ng pirma ng magsasaka upang mailipat ang titulo ng mahigit dalawang ektaryang property.
Sa ulat, inakusahan ng magsasakang senior citizen na si Jenrieta Lagman Cuna-nan si Councilor Raquel “Ate Kay” Pineda na ginamit ang pekeng lagda nito sa ‘deed of sale’ para mailipat ang pagmamay-ari ng kanyang lupa.
Ayon kay Cunanan, ipinasuri niya sa crime laboratory ang naturang pirma at lumabas sa resulta na hindi ito kanya.
May iba pang residente na nagreklamo kaugnay ng umano’y iregularidad sa mga dokumento at pagmamay-ari ng kanilang lupa.
Samantala, itinanggi ng isang complainant na politika ang nasa likod ng reklamo.
“Wala pong kinalaman ang politika dito sa usapin na ‘to kasi ito po ay usapin ng kanyang pamamalakad sa kanyang kompanya… ito pong mga land scam na ‘to, totoo pong nangyayari, hindi lang po sa Pampanga [kundi] dito po sa amin sa Tarlac, halos dekada nang problema. Hindi lang po ako,” pahayag ni Sunshine Manalo, isa sa mga buyer.
Wala pang inilalabas na pahayag si Pineda kaugnay ng mga paratang sa kanya.