Advertisers
INATASAN ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero ang Clerk of Court na mag-isyu ng show cause order para sa tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Paolo Panelo.
Kaugnay ito ng naging pahayag ni Panelo laban sa mga senator-judges na tila sinisira ang kredibilidad ng mga testigo ng defense team gayundin ng mga senator-judges.
Nagmosyon patungkol dito si Senator-judge Erwin Tulfo kung anong pwedeng gawin ng Impeachment Court lalo’t wala naman siyang kinalaman sa kaso laban sa bise at siya pa ang tagapagsalita ng pangalawang pangulo.
Sinabi naman ni Escudero na hindi sakop ng sub judice rule si Panelo pero saklaw naman siya ng Rule 71 ng Impeachment Court kaugnay sa pagpapataw ng contempt sa isang indibidwal.
Hiniling dito ni Sen. Erwin na pagpaliwanagin si Panelo sa mga naging pahayag laban sa Impeachment Court dahil hindi aniya ito maganda lalo’t ang boss niya na si VP Sara ang nililitis ngayon.