Advertisers

Advertisers

PBBM PINURI NG SENIOR CITIZENS PARTY LIST SA ASEAN AT APEC SUMMITS; FOREIGN INVESTMENTS PUMABOR SA RETIREES AT SENIORS

0 12

Advertisers

PINURI ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa matagumpay na pagdaraos ng 49th ASEAN Summit na ginanap sa Maynila.

Ayon kay Cong. Ordanes, magdudulot ng kasaganahan sa ekonomiya ng bansa ang makasaysayang mga pandaigdigang pagpupulong sa pamamagitan ng pagdami ng foreign investors sa bansa.

Binati ni Cong. Ordanes si Pangulong Marcos sa patuloy nitong pagsusumikap na ipakilala sa mga foreign investors ang Pilipinas bilang magandang partner sa pagnenegosyo.



“Malaking pasasalamat ko kay Pangulong Bongbong Marcos, and I welcome the economic opportunities arising from ASEAN summits, state visits, and stronger investment ties with other countries,” saad pa ni Cong. Ordanes.

Positibo rin si Cong. Ordanes sa resulta ng magandang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at China, kung saan kalahok din si Pangulong Marcos sa 33rd APEC Summit na ginanap kamakailan sa Shenzhen, China.



Naniniwala si Cong. Ordanes na magdudulot pa ng karagdagang investors ang pagdalo ng Pangulo sa mga pandaigdigang pagpupulong, gaya ng sa China, tungo sa kaunlaran ng bansa.

Napag-alaman mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na umabot na sa ?166.03 billion ang approved foreign investment commitments sa third quarter ng 2026, na umangat ng 125.3 porsiyento kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.



Tinatayang nasa 13,805 ang inaasahang mabibigyan ng trabaho sa mga inaprubahang proyekto, kung saan hindi lamang mga kabataan kundi maging mga qualified retirees at senior citizens na handa at kayang magtrabaho ang makikinabang, na malaking tulong sa ekonomiya.

Ipinagmalaki rin ni Cong. Ordanes ang sektor ng senior citizens na may dekada nang karanasan, kasanayan, at kaalaman na hindi dapat kalimutan, aniya, ng mga employers.