Advertisers

Advertisers

Richard Reynoso, makikisingit kay Jose Mari Chan tuwing Pasko

0 10

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

ABALA ngayon si Richard Reynoso sa promo ng kanyang new single titled “Parating Na Ang Pasko,” na ayon sa singer ay swak sa diwa ng Paskong-Pinoy.

Aniya, “May bago ho akong single na hatid sa inyo ng PolyEast Records, kapipirma ko lang ho sa kanila, iyan ho ang Parating Na Ang Pasko. Ito ho ang aking first Christmas song na inilabas ko po.



“Ito ay ginawa ho ni Minnith Mota, na inilabas ng PolyEast Records… ito’y isang awitin na bagong-bago. Isinasayaw na nila ngayon, nakalabas na ho ito sa Spotify, sa Tiktok, sa iTunes… nakalabas na ho sa lahat iyan.”

Paano niya ide-describe ang kantang ito?



Tugon ni Richard, “Isa siyang celebratory… okay, isang Pinoy festive Christmas song. Masaya iyong song, isang Paskong-Pinoy.

“Kaya ganoon ang title (Parating Na…), kasi sa lyrics niya – Ilang saglit na lang, Pasko ay darating na… So, iyon ang anticipation ng bawat Filipino, alam nyo naman hindi ba, kapag Filipino, September pa lang ay nagbibilang na? So, this is the perfect song for that, kasi ito iyong kanta na nag-aanticipate ng Paskong darating.



“Pati iyong celebration ng Pasko, celebrating it with the family and at the same time, iyong virtue of giving, iyong feeling generous na gagamitin mo iyong mga biyaya mo, na puwede mo rin ipamahagi sa mga less fortunate. So, may-aral din iyong kanta.”

Dagdag pa niya, “So, ito talaga ang napakagandang panimula, Pasko kasi. Celebrating the coming ng pinakamatinding celebration…”

So, itong song niya ang aabangan na rin kapag Ber season? Kumbaga ay makikisingit na rin siya kay Joe Mari Chan kapag September na?

“Sana po, sana po, kasi ito ay Tagalog, sariling atin. So, makikisilip at makikisingit na rin ako (with Joe Mari Chan) taon-taon at salamat po sa PolyEast Records,” nakangiting pakli pa niya.

Incidentally, may repeat ang “RR40: Timeless Memories (The Repeat)” ni Richard sa Dec. 11, 2026 sa Teatrino Promenade, Greenhills,7 pm. Special guests dito sina Andrea Gutierrez, Nonoy Zuniga, Debbie Lopez, Jay R Dizon, Dana Reynoso, at VR Caballero. Ito’y hatid ng Echo Jam Entertainment.

Si Richard ay isang OPM icon na nasa likod ng mga classic song na “Maaalala Mo Pa Rin,” “Ale, Nasa Langit Na Ba Ako?” “Paminsan-Minsan,” at “Hindi Ko Kaya.”

Recently rin ay pinarangalan si Richard bilang Outstanding Music Icon of the Year sa 2026 Philippine Choice Award.

-30-