Advertisers
Ni Anne Venancio
Muling nagkita sina Kris Aquino at dating mister na si James Yap kasama ang anak nilang si Bimby matapos ang 11 taon walang komunikasyon ng mag-ama.
Sa vlog ni Mama Loi, ikinuwento ni Kris ang kanilang hindi inaasahang pagkikita nang magkasabay silang sumakay sa elevator. Naging maayos naman ang kanilang interaksyon at ikinatuwa ni Bimby ang muling pagkikita nila ng kanyang ama.
Sa nasabing vlog, pabirong siningil din ni Kris si James sa matagal na umano nitong utang kay Bimby. Nang tanungin kung ano iyon, diretsahang sumagot ang Queen of All Media ng “A car!”
Ikinuwento rin ni Kris ang naging usapan nila ni James nang mapansin nitong matangkad na si Bimby. Ayon kay Kris, sinabi ni James sa kanilang anak, “Uy, tangkad mo na.”
Sumagot naman si Bimby ng, “Yes, he’s taller than you.”
Ipinahayag din ng Queen of All Media ang kanyang kasiyahan sa pagsisikap ni James na muling makipag-usap sa anak.