Advertisers

Advertisers

Drug den sa Subic: 5 arestado

0 252

Advertisers

LIMANG drug suspects ang nahuli sa drug den sa Subic, Zambales.
Ayon kay Police Col. Romano Cardino, Zambales Provincial Director, nagsanib puwersa ang pulis at Philippine Drug Enforcement Agency sa lalawigan para magkasa ng buy bust sa Barangay Calapacuan nitong nakalipas na Linggo.
Target ng pulisya ang isang binansagang “armed and dangerous suspect” na natunton nila sa pag-iimbestiga gamit ang social media.
Matapos makabili ng droga ang poseur buyer sa target, agad itong inaresto. Pero natagpuan din ng mga pulis na may apat iba pang tao na gumagamit ng droga sa loob ng bahay.
Kabilang sa inaresto ay isang mangingisda at isang makeup artist. Miyembro umano sila ng iba’t ibang drug groups sa Zambales at nagtipon lang sa bahay para sa drug session.
Pinaniniwalaang drug den ang naturang bahay dahil narin sa mga nakumpiskang drug parapharnalias at shabu na may street value na higit P100,000.