Advertisers

Advertisers

Pantay-pantay ang hatian… Tsong Joey gawa na ang testamento sa 16 anak

0 268

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA isang panayam, nabanggit ng actor na si Joey Marquez na wala na siyang balak na dagdagan pa ang kanyang labing-anim na anak.

Hirit pa niya, sa kanyang edad na 60 o bilang senior citizen, napagdesisyunan na rin daw niyang tama na ang dami ng supling na pinagkaloob sa kanya ng Diyos mula sa iba’t ibang babae.



Aniya, kawawa raw kasi ang magiging bata dahil hindi na marahil niya maaabutan pa ang paglaki nito.

“Medyo unfair na sa bata, baka pag-ten years old na eh otsenta na ako,” paliwanag niya. “Baka hindi ko na abutin ‘yung pagkabinata niya, pagkadalaga kasi gusto ko kasi maabot ko pa ang mga apo ko,” dugtong niya.



Kinumpirma rin ni Joey na ang lahat ng kanyang mga anak ay nasa kanyang poder.

Dagdag pa niya, bilang ama, ang mga ito raw ang maituturing niyang kayamanan sa lupa.



Noon pa man daw ay sinabihan na rin niya ang kanyang mga babaeng naka-relasyon na huwag makikipagkumpentensiya sa kanyang mga anak.

Ipinagmamalaki rin ni Joey na maganda raw naman ang relasyon niya sa mga ina ng kanyang mga supling.

“Hindi ko sila pwedeng ipagpalit kahit kanino,” sambit niya.

Isa rin sa mga labis na ipinagmamalaki ni Joey ay ang trato ng kanyang mga anak sa isa’t isa.

Hindi raw ‘half-brother o half sister’ ang turingan ng mga ito kundi magkakapatid na hindi lamang ama ang pinagpareho kundi parang ang kanila na ring mga ina.

Pagbabahagi pa ng komedyante, nakahanda na rin umano ang kanyang ‘last will and testament’ para sa mga anak.

Nilinaw niyang pantay-pantay din ang matatanggap ng mga ito na mula sa kanyang ipon sa mga taong inilagi niya sa showbiz.