Advertisers

Advertisers

Aiko ang dyowang si VG Jay ang nililigawan ng mga partido para hikayatin sa politics

0 324

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

“TATAKBO ako kasi sa tingin ko handa ako at kaparat-dapat naman ako kahit papaano na tumulong sa tao dahil hindi ko man pinapakita on social media lahat ng mga tulong na nagagawa ko, alam ko sa puso ko ang public service hindi talaga nawala yan kahit kailan,” ito ang pahayag ni Aiko Melendez sa balak niyang muling sumabak sa mundo ng pulitika.

“Ready ako because hindi naman natin ipagkakakaila, nag-aral ako sa UP ng crash course ng Local Governance so kahit papaano may alam ako sa batas at hindi ako mabubutasan na tumakbo lang ako dahil gusto ko lang tumakbo, na wala akong magawa, hindi.



“I’m running for congress because the offer now from QC, from the people of QC is really congress.

“District 5 po ng Quezon City po ang aking tatakbuhan po kung saan nagserbisyo din po ako ng siyam na taon bilang  councilor po.



“Kaya lang nahati, nag-redistricting po ang Quezon City, kaya nahati siya sa dalawa but district 5 used to be my district po kaya kahit papano po yung terrain po sa district 5, alam ko po, kabisado ko po.

“Kaya din mas nadagdagan  po yung confidence ko ulit  na magserbisyo po sa mga  taga-distrito Singko  dahil alam kong hindi pa rin ako nakakalimutan ng  mga taga-district 5 po.”



“But I also have an option to run for council, I do also have an offer for council but since sa mga napag-uusapan namin mas marami ang nag-uudyok sa akin na tumakbo for congress  because nga for nine years naging councilor na ako, and kahit papaano e medyo talagang, ano ko na yan e, na-experience ko na yan so parang gusto ko namang mag-level up naman sa pagtulong because when you run for congress, mas marami kang matutulungan.

“Yung scope of work mo din, national na, mas madami kang matutulungan.”

Tulad ng showbiz, magulo ang mundo ng pulitika, pero mas matindi ang labanan, siraan at kompetisyon sa pulitika kaysa showbiz.

Pero ready naman si Aiko.

“Handa naman ako kasi nung last election nung tumakbo si Vice Gov. kami yung inapi-api, di ba? Pero tingnan nyo naman ang nangyari.”

Nakaupo ngayon ang kasintahan ni Aiko na si Jay Khonghun bilang Bise-Gobernador ng Zambales.

“Sabi nga nila, kapag inaapi-api ka, kapag binabato ka, ibig sabihin, hitik yung bunga. At kapag inaapi ka, kapag ibinabagsak ka, ang Diyos mismo ang mag-aangat sa yo,” dagdag pang pahayag ni Aiko.

Kaninong grupo o partido sasama si Aiko?

“Magde-decide kami end of July, kung saang partido kami sasama, but as of now, we are, maraming kumakausap sa amin ni VG, actually mas maraming kumakausap kay VG kasi siya yung campaign manager ko,” at tumawa si Aiko.

“Siya ang punong-abala, imbes na ako ang tawagan, siya yung nililigawan para tumakbo ako! So talagang pinag-uusapan naming mabuti kung ano talaga.

“E si Vice Gov. kasi antagal na niya sa pulitika, e. Modesty aside, ito ha, hindi sa pagmamalaki pero kasi si Vice Gov wala pang talo kahit kailan sa lahat ng takbo niya. So kaya I thought of him being one who can guide me na to make the best decision that I can make for Quezon City.”

Naniniwala si Aiko na kung ano ang nakatadhana para sa kanya sa taong 2022 ay iyon ang mangyayari.

“If God wants me in this position, He will put me whether na may masabi sa akin na masakit o pinakamasakit, kung gusto ako ng Diyos para sa posisyon na ito,  mananalo’t mananalo ako.”

Samantala, kaabang-abang kung muling mapapanood si Kendra (papel ni Aiko) sa book 2 ng Prima Donnas na ieere ng GMA late this year.

May bagong pelikula naman si Aiko under direk Adolf Alix, Jr. ang Huwag Kang Lalabas na sa titulo pa lang ay alam na nating isang horror movie.

Abala na rin si Aiko sa bagong partnership na negosyo nila ni Vice Governor Jay, ang online shopping site na pingmeup.store na halos lahat ng puwedeng bilhin ay maaaring orderin.