Advertisers

Advertisers

Covid update: 14,749 new cases; 10,720 gumaling; 270 patay

0 274

Advertisers

UMAKYAT na sa mahigit 102,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na makapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng halos 15,000 bagong kaso ng sakit nitong Linggo, Agosto 15.

Batay sa case bulletin no. 519 ng DOH, nabatid na dahil sa 14,749 bagong kaso ng COVID-19 na naitala nitong Agosto 15, ay umaabot na ngayon sa 1,741,616 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa bansa.

Sa naturang total cases naman, 5.9% pa o 102,748 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman, kabilang dito ang 95.9% na mild cases, 1.3% na severe cases, 1.1% na asymptomatic, 0.93% na moderate cases, at 0.8% na critical cases.



Mayroon din namang naitala na 10,720 bagong gumaling sa karamdaman, sanhi upang umakyat na sa 1,608,528 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 92.4% ng total cases.

Samantala, nasa 270 pang pasyente ang naitalang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa kumplikasyon ng sakit.



Sa kabuuan, nasa 30,340 na ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.74% ng total cases.

Ayon sa DOH, may 364 duplicates rin naman silang inalis mula sa total case count, kasama dito ang 360 na recoveries.



Mayroon ding limang kaso na unang tinukoy bilang recoveries ngunit nang i-validate ay aktibong kaso pa pala habang may 141 kaso rin ang unang tinukoy na gumaling na mula sa karamdaman ngunit malaunan ay natuklasang namatay na pala, sa isinagawang pinal na balidasyon. (Jonah Mallari/Andi Garcia/Jocelyn Domenden)