Advertisers

Advertisers

Record Breaker… Youtube Channel nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy Gonzaga 867K subscribers sa loob ng 1 linggo

0 486

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

Dahil sikat rin sa social media si Mommy Pinty, tulad ng kanyang mga daughter na sina Alex at Toni Gonzaga kung saan meron itong 236K followers sa kanyang Instagram account ay marami na ang kumukumbinsi dito kay Mommy Pinty na magtayo ng sariling Youtube Channel at gumawa ng Vlog. Malakas din kasi ang dating ni Mommy Pinty sa viewers ng Vlog ni Alex, sa tuwing nag-guest siya rito na umaabot ng millions ang views.

And finally nakumbinsi rin si Mommy Pinty ni Alex at ng husband si Daddy Carlito “Bonoy” Gonzaga. So nag-collab sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy sa YT Channel nilang Bonoy and Pinty Gonzaga na masasabi naming record breaker.



Bakit, ba’y 2 days pa lang magmula ng mag-upload ng kanilang first video vlog ang mag-asawa ay more than 300K na agad ang subsribers and in just one day ay naka 1.2 million views na agad ang inapload nilang video. As of presstime in just one week ay meron ng 867K subscribers(still counting) sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy at nasa 3.9M views na yung kanilang first vlog at ‘yung sumunod naman nilang upload ay humamig ng 1.9 million views sa loob lamang ng dalawang araw.




Yes, may malaking future itong YT Channel nina Mommy Pinty na in the near future ay pwedeng lumevel sila sa mga Top Vloggers ng bansa na kinabibilangan nina Alex, Toni, Ivana Alawi, Donnaly Bartolome, Raffy Tulfo etc. Anything goes ang content ng Vlog ng said couple at makikita niyo ang totoong Mommy Pinty at Daddy Bonoy rito at suportado sila ni Alex na aliw na aliw sa kanyang mga magulang.

***



Habang Inaantay Ang Project Sa Ros Film Production, Alquin Gaddi Join Muna Sa The Amazing Runway 2021 Cycle 2

Sanay na sanay na sa rampahan ang protegee ni Direk Reyno Oposa na si Alquin Gaddi na talent niya sa kanyang Ros Film Productions. Kaya habang nag-aantay ng kanyang first movie project ay nag-join muna si Alquin sa The Amazing Runway Cycle 2: Battle of Kapampangan Models. Bale pasok na si Alquin bilang isa sa official models sa said pageant at suportado siya ng manager na si Direk Reyno. To vote for Alquin pls visit the The Amazing Runway Page at Facebook at lagyan ng heart ang photo nito na inyong makikita at share na rin. Ilan silang boy and girl models ang maglalaban rito at isa si Alquin sa most favorite ng mga organizers ng pageant.


I’m sure dahil malakas ang dating ay malaki ang laban ng newcomer na masungkit ang title.

***

Gay Couple Dondon At Scott Mong, ‘Di Umasa Sa Paayuda Ng Gobyerno Sa US

In all fairness, ‘di umasa sa Ayuda ng US govt ang friend kong si Dondon Mong at hubby si Mr. Scott at may sarili silang business sa South California, USA na mata- gal na nilang pinatatakbo. Ito ay ang Hospice Agency sa Rancho Cucamunga Area na pinagkakatiwalaan sa maraming taon. Kasi maganda ang serbisyo nila lalo na sa ma tatandang inaalagaan rito.

Pero may hugot si Dondon at ito ay tungkol sa mga kababayan natin sa amerika na halos ayaw ng magtrabaho dahil sa natatanggap nilang Ayuda sa gobyerno na 600 US dollars per week.

Kaya halos wala na raw nag-aapply sa mga company rito dahil nawili na nga sa nasabing financial assistance o unemployment insurance, at may paglilinaw rito ang amigong si Dondon, na very supportive sa aming Vlog “‘Yung unemployment insurance is different from what the US government gave and planning to give to due to the pandemic, the ayuda is called stimulus check dito. “The Biden administration, is thinking or planning to give another set of stimulus because if the looming eviction. First three stimulus checks helped reduce hardships like food insufficiency and financial instability.”

Say pa nito. Happy kami for Don at maliban sa magandang buhay nila sa Amerika ni Scott ay nakapag-asawa rin ng mabait na foreigner ang beloved Mom nito na si Inay Claire.