Advertisers

Advertisers

Makhoy Cubales wish magprodyus at magdirek ng pelikula

0 348

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

NAKAHUNTAHAN namin si Makhoy Cubales kamakailan at nakibalita kami sa pinagkakaabalahan niya lately.

Si Makhoy ay isang talented at masipag na international model, singer, producer ng mga show, businessman, at pilantropo.



Kumusta na siya ngayon? Naiinip na ba siya sa tagal ng pandemic?

Tugon ni Makhoy, “Okey lang Tito Nonie, medyo boring pero mas okey kasi during this pandemic at quarantine, ang feeling ko ay mas napapalapit ako sa Itaas.



“Every day I make it a point na mag-pray na matapos na itong pandemic, para mabalik na tayong lahat sa normal.”

Nabanggit din ni Makhoy ang pinagkaka-abalahan sa negosyo.



Aniya, “Sa business naman, babalik ako sa pagde-develop ng property sa Thailand…

“Right now, maco-confirm ko na lalabas ako sa isang US magazine, special project ito ng very talented German designer na kilala nating lahat at alam kong mahal din ng mga press. Marami siyang ilalabas na line and I’m very happy na I’ll be part of it,” esplika niya na ayaw ipabanggit ang tinutukoy na designer.

Dagdag pa ni Makhoy, “Sabi ko modeling is just part of the past already, but yet she thought I can still go back. At least maiba naman ngayon na kung dati billboard at ads sa London, this time sa America naman. So I feel really blessed, Tito.”

Ipinahayag din niya ang planong magdirek at magprodyus ng pelikula.

“Kung may option talaga ay mas gusto kong nasa likod muna ako ng camera, tinitignan ko kasi iyong option na mag-produce ng pelikula at mag-aral ng directing,” lahad niya.

Kung sakaling magdirek o magprodyus siya, anong klaseng movie?

Tugon ni Makhoy, “Romcom din siguro Tito, para mas maaliw iyong mga tao sa mapapanood nila. Palagay ko kasi, iyon ang kailangan natin sa panahon ngayon, eh.”

Nag-seminar or crash course ba siya sa filmmaking?

“Hindi pa Tito, hahaha! Pero gusto ko, gusto kong gawin iyan. Kung hindi lang nagka-pandemic ay baka nagawa ko na iyan.

“If possible, gusto ko rin na mag-OJT or assistant ng ilang magagaling nating direktor. Sa palagay ko kasi ay magandang training iyon para sa akin. Kumabaga kasi, actual na iyon eh,” sambit pa ni Makhoy.