Advertisers
Aabot sa P10.4 million halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng Cebu City PNP sa dalawang magkahiwalay na anti-drug operation sa lungsod ng Cebu, Lunes ng gabi.
Sa unang operasyon ng ikinasa ng City Drug Enforcement Unit sa Avocado St., Brgy. Mambaling, Cebu City, 10:30 na ng gabi naaresto ang isang high value individual na kinilala na si Bryan Leyson Osabel, 35, walang asawa at isang computer technician sa Brgy. Pasil, Cebu City.
Nakuha kay Osable ang hindi bababa sa P3.41 million halaga ng kalahating kilo ng shabu.
Sa kasunod operasyon, nahuli sa mga otoridad si Benjie Torreon Lupian, 42, fish vendor at naninirahan sa Belgium Street, Brgy., Suba, Cebu City.
Nahuli sa Lupian sa B. Aranas Ext. , Brgy. Duljo Fatima, Cebu City sa isang operasyon na isinagawa ng mga operatiba ng Mambaling Police Station.
Aabot sa P7.1 million ang halaga ng nakuhang isang kilo ng shabu.
Ayon sa dalawang suspek na may nag-utos lang sa kanila na ihatig ang mga nasabing kontrabando.
Kakaharapin ngayon ng mga dalawang suspek ang kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.