Advertisers

Advertisers

Covid update: 13,846 bagong kaso; 39,980 gumaling; 91 patay

0 331

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 13,846 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Martes, Setyembre 28.

Samantala ay mayroon namang naitalang 39,980 na gumaling at 91 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.2% (132,139) ang aktibong kaso, 93.3% (2,353,140) na ang gumaling, at 1.51% (37,686) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 26, 2021 habang mayroong 7 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 1.3% sa lahat ng samples na nai-test at 1.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal.



Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">