Advertisers
UMABOT na sa 2,549,966 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 14,286 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Huwebes, Setyembre 30.
Samantala ay mayroon namang naitalang 8,268 na gumaling at 130 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.4% (138,294) ang aktibong kaso, 93.1% (2,373,378) na ang gumaling, at 1.50% (38,294) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 28, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na naitest at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)