Advertisers

Advertisers

Pagpasok ng smuggled na gulay sa mga palengke pinaiimbestigahan sa Kamara

0 425

Advertisers

INIHAIN ng Makabayan Bloc sa Kamara ang House Bill 2263 upang imbestigahan ang pagpasok ng smuggled na gulay, partikular ang carrots sa lokal na pamilihan.

Sa ilalim ng panukala, inaatasan ang House Committee on Agriculture and Food na silipin ang pagdami sa merkado ng mga smuggled na imported na gulay partikular sa Metro Manila, Cebu at Cagayan de Oro.

Punto ng mga kongresista, malaki ang nagiging epekto nito sa kabuhayan ng mga magsasaka at mga nagtitinda ng locally produced na gulay.



Ang smuggled carrots mula China na idini-deliver sa Carbon Market sa Cebu City ay ibinebenta ng P50 kada kilo habang ang mga “hot cabbages” na itinitinda sa Divisoria ay nasa P70 per kilo na mas mura kumpara sa P115 hanggang P125 kada kilo mula sa Benguet.

Napaulat din iniimbak sa maliliit na warehouses sa Divisoria ang mga imported na smuggled na gulay at inilalabas lamang sa mga palengke kapag tumaas ang presyo ng gulay mula sa Benguet. (Henry Padilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">