Advertisers
HATI ang opinyon ng mga alkalde sa Metro Manila kung mananatili sa alert level 4 status ang buong National Capital Region (NCR).
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, may ilang alkalde na nais manatili sa level 4 status 4, habang ang iba naman ay nakahanda na sa level 3 status.
Sina San Juan City Mayor Francis Zamora at Quezon City Mayor Joy Belmonte ay kapwa pabor na manatili sa level 4, bagama’t malinaw naman na bumaba na ang covid cases subalit hindi pa umano napapanahon na magluwag dahil baka bigla na naman itong tumaas.
Ayon naman kay Prof. Guido David ng OCTA Research, hindi pa dapat alisin sa level 4 status ang Metro Manila dahil mataas pa rin ang bilang ng mga naoospital dahil sa covid kaya dapat na i-extend pa ito ng dalawang linggo.
Samantala, sina Marikina Mayor Marcy Teodoro, Mandaluyong Mayor Menchie Abalos at Navotas Mayor Toby Tiangco ay handa na para sa level 3 status, dahil kailangan ng kumita ng mga tao. (Jonah Mallari)