Advertisers

Advertisers

Quarantine sa mga fully vaccinated travelers ‘di na mandatory

0 296

Advertisers

KINUMPIRMA ng Malakanyang na hindi na mandatory ang quarantine sa mga fully vaccinated na mga Filipinos at foreign nationals na dumarating sa bansa at nagmula sa tinaguriang green countries.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque ang mga biyahero mula sa “countries o territories” na nabibilang sa mga low risk sa COVID-19 ay hindi na sasailalim sa 14-day quarantine pagdating Pilipinas simula Oktubre14.

Gayunman kinakailangan daw ang pagpresenta ng negative RT-PCR test na kinuha sa loob ng 3 araw bago ang pagdating sa Pilipinas.



Paalala ni Roque na doon sa mga fully vaccinated Filipinos maari naman sila kumuha ng RT-PCR test sa quarantine facility sa pagdating nila sa bansa hanggang sa lumabas ang negatibong resulta.

Nanawagan pa rin ang gobyerno sa mga fully vaccinated travelers mula sa abroad na mag-self monitor pa rin sa mga symptoms hanggang sa 14th day.



Sa ilalim kasi ng polisiya ng IAF ang mga fully vaccinated mula sa mga low-risk countries o territories ay inaabisuhan na kumpletuhin ang 10 araw na quarantine matapos ang pagdating sa bansa. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">