Advertisers
NAWALAN ng preno at nahulog sa bangin ang sasakyan ng mga personahe ng BFP-BARMM sa Barangay Barangiran, Alamada, Cotabato, Martes ng gabi.
Namatay sa naturang aksidente si Atty. Guiling, habang sugatan ang 13 miembro ng Inspection Team ng BFP-BARMM.
Sinasabing mula sa bayan ng Wao, Lanao del Sur at pauwi na sa Cotabato City ang mga biktima nang mawalan ng preno ang sasakyan at nahulog bangin.
Halos mawasak ang hazmat transport vehicle na sinakyan ng 14 biktima nang mahulog sa malalim na bangin.
Dinala na sa ospital ang mga sugatan upang lapatan ng kaukulang lunas.