Advertisers

Advertisers

P3m ecstasy buking sa wedding package

0 263

Advertisers

ARESTADO ang magdyowa habang nasamsam sa Taytay City post office ang mga party drug na nakatago sa loob ng kargamento na dineklara bilang wedding dress.

Kinilala ang mga dinakip na sina Sheila De Leon Buenvenida at Joana Kimberly, kapwa residente ng Sakadama Compound, Barangay San Juan sa Cainta, Rizal.

Batay sa ulat ng National Bureau of Investigation (NBI), ang nakuhang ecstasy tablets ay may street value na P3.4 milyon at pinadala sa Taytay post office mula sa isang Peter Voorman ng Germany na nilarawan ang nasabing parcel bilang wedding dress, lay cover, Holland wax, cloth at mga bed sheet.



Dinakip ng mga ahente ng NBI at Philippine Drug Enforcement Agency ang magdyowa na silang tumanggap ng package at binuksan ito sa harap ng mga saksi upang masuri ang laman nito.

Binalot ang 1,993 piraso ng party drugs sa isang cloth gamit ang packing tape, kasama ang isang unan at tatlong bed sheet.

Ang nasabing kargada ay ipadadala kay Heart Valerine Garcia Cruz alyas ni De Leon na meron ding ibang address.

Nadiskubre ang tamang pagkakakilanlan ni De Leon nang hingan siya ng government issued ID.

“Iba ‘yong ginamit na pangalan sa tunay na pangalan to mislead authorities,” banggit ng isang NBI agent na lumahok sa operasyon.



Ayon sa agent, may nag-tip sa kanila mula sa Taytay City post office hinggil sa nasabing kargamento.