Advertisers
TATLO ang nasawi at lima ang sugatan nang bumangga sa gilid ng kalsada ang sinasakyang truck na nawalan ito ng preno sa Labangan, Zamboanga Del Sur
Kinilala ang mga nasawi na sina Esmeralda Roño Cabrobias, 57 anyos, ng Barangay Lindang, Diplahan, Zamboanga Sibugay; Jobirth Roño Cabrobias, 38; at Joemar Rono Cabrobias.
Nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan sina Atenna Cabrobias; Jerome Manumbaga; Karledgei Cortes Dandanon; Junel Cabaltera Mangubat, 22 ; at April John Dacay Mangubat na pawang taga Brgy. Navalan, Tukuran, Zamboanga del Sur.
Nasa kustodiya ng Labanga Police Station ang driver ng truck na si Ernesto Tudtud Ramirez, 59, ng Brgy Navalan, Tukutan, Zamboanga Del Sur.
Ayon kay Major Shellamie Chang, spokeswomen ng PRO9, 7:55 ng gabi naganap ang aksidente sa national highway sa Brgy. Upper Pulacan, Labangan.
Sakay ang mga biktima sa isang kulay green na Isuzu forward na may kargang 480 sakong bigas na minamaneho ni Ramirez na patungo Ipil galing Brgy Navalan upang mag-deliver ng bigas.
Pagsapit ng truck sa pababang bahagi ng Purok Melina Brgy Upper Pulacan ay nawalan ng kontrol sa manibela si Ramirez nang mawala ng preno ang sasakyan, dahilan upang bumangga ito gilid ng kalsada. (Mark Obleada)