Advertisers

Advertisers

3 patay sa akisdente sa Batangas

0 281

Advertisers

PATAY ang tatlo katao sa banggaan na kinasangkutan ng apat na sasakyan sa bayan ng Bauan, Batangas.

Nasawi ang tricycle driver na si Norberto Rabacid, 63 anyos; rider ng motorsiklo na si Henry Pasia, 34; at rider na si Melvin Dela Peña, 48.

Ayon sa awtoridad, 2:30 ng hapon patungo sa Bauan proper ang utility vehicle na minamaneho ni Romeo Evangelista, 42, nang mahagip nito ang motorsiklo ni Pasia at ang tricycle ni Rabacid, saka sumalpok sa Ford Ranger na minamaneho ng negosyanteng si Edgar Patrick Macatangay, 41.



Bandang 4:55 ng hapon sa kaparehas na araw, isa ang nasawi at isa ang sugatan sa isa pang aksidente sa Brgy. Aya, sa kalapit na bayan ng San Jose.

Patay ang rider ng motorsiklo na si Dela Peña nang masagasaan ang kanyang sasakyan ng Toyota Tamaraw FX (TTS-144) na minamaneho ni Edwin Santos, 42.



Kumaliwa si Dela Peña patungo sa kanyang bahay nang biglang sumalpok ang Tamaraw FX sa kanyang motorsiklo.

Nasa kostudiya ng pulisya sa Bauan si Evangelista habang nasa San Jose si Santos.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">