Advertisers

Advertisers

Tungo sa mas masaganang Benguet

0 357

Advertisers

SA pagdiriwang kahapon ng ika-121st Benguet Day, muling sinariwa ni Benguet Care taker at ACT-CIS Rep. Eric Yap sa harap ng mga taga-Benguet kung gaano katatag at katibay ang kanilang pag-asa sa pagharap sa mga pagsubok.

Ayon pa kay Rep. Yap, ang patuloy na pagkakaisa ng mga taga-Benguet at pagtutulungan ng isa’t isa ang naging susi upang patuloy na lumaban sa harap ng krisis at pandemya.

“Ang panalangin natin ay ang
tuloy-tuloy na paggaling at pag-recover ng ating probinsya mula sa epekto nitong pandemya at sa lahat ng unos,” wika ni Rep. Yap



Pangako naman niya sa mamamayan na titiyakin niya na mangingibabaw ang mga bagay na makakabubuti sa taumbayan tungo sa masaganang Benguet.