Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
SA first day lock-in taping ng sictom ni John Lloyd Cruz na ang tamang title ay Happy To Get para sa GMA 7 ay nandoon si Jasmine Curtis-Smith.
Tanong tuloy ng mga Kapuso fans ay kung ang younger sister ni Anne Curtis daw ba ang leading lady ni Lloydie?
Wala raw magiging problema kung si Jasmine ang leading lady dahil next year pa naman ang airing ng sitcom at that time ay tapos na ang serye nina Jasmine at Alden Richards na The World Between Us. Puwede rin guest lang si Jasmine sa pilot episode ng sitcom o baka dinalaw lang niya si JLC dahil pareho silang mina-manage ng Crown Artist Management.
If ever na si Jasmine nga ang leading lady sa sitcom ay first time niyang gagawa o mapapasabak sa comedy.
“Back to work. Salamat Lord!” nasabi ni Edgar Mortiz na director ng sitcom ni Lloydie. Sa Instagram account ni Direk Bobot ay nagpost ito ng larawan habang nasa control booth at tsini-check ang taping.
Binati ni Randy Santiago si direk Bobot at saka nagbiro kung puwede siyang mag-guest na sigurado namang pagbibigyan ni direk.
***
BUONG pagmamalaking ibinalita ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na may matatawag na rin siyang sariling tirahan.
Pinost ni Catriona last Nov. 20 ang bago niyang acguired condominium unit. Isang dekada rin daw siyang umupa sa iba`t ibang bahay at ngayon ay may sarili na rin siyang matutuluyan na kanyang pag-aari.
“Home 2022. Since leaving home at 17, I`ve always dreamed of having a place of my own. For the past 10 years I`ve been a nomad, I`ve rented and moved from place to place. But earlier this year I finally called a home MINE. #CasaDeGray. I`m super excited to be sharing how this space transforms over the next few months and to also be #Supportinglocal in and throughout my home from local furnitures to local artists and artisans. Pero curious ako! What do you think my “design style is?” caption pa ni Catriona sa kanyang IG post.
Masaya at nagdiriwang ang 12 million followers ni Catrional dahil magagawa niyang ilagay ang gusto niyang dekorasyon sa sariling tirahan.
Tamang-tama naman na lumabas na rin ang kanyang single music video na Love Language under Global Pinoy Music, Collaboration ito ni Catriona at Sydney based producer Billy Josh Cabusas.
***
Michael V hindi naisama ang mga dating katrabaho sa BG
Sinubukan ni Michael V at ng team niyang Bubble Gang para sa pagdiriwang ng 25th anniversary ng longest running gag show sa TV, na imbitahan ang mga dating member ng Bubble Gang pero hindi natuloy.
“So, at this point, we just had to make do with what we have right now. We have to make the most of the situation,” say ni Bitoy
Tinangka raw nilang imbitahan si Ogie Alcasid na dating member ng gag show. Pero dahil nasa kabilang network na ito ay hindi nangyari.
“There was an attempt, sinubukan naman namin, we did our best but along the way, nagkaroon ng dahilan para hindi magawa yung mga nai-envision namin,” ani Bitoy.