Advertisers

Advertisers

Duterte maglalabas ng EO na magkakaloob ng insentibo sa fully vaccinated 4Ps beneficiaries

0 196

Advertisers

MAGLALABAS si Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order na nagkakaloob ng insentibo sa fully vaccinated beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps .

Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista, magkakaroon ng insentibo ang mga 4Ps members na fully vaccinated upang walang malabag sa mga programa na ipinatutupad ng pamahalaan.

Pahayag ni Bautista, maraming 4Ps Beneficiaries ang interesado ngayong magpabakuna makaraang magsagawa ang gobyerno ng Remote Family Development Sessions kasabay ng pamamahagi ng reading materials bilang pagtalima sa ipinatutupad na “no face-to-face meeting policy” ngayong COVID-19 pandemic.



Layunin nitong maihatid ang kahalagahan ng pagbabakuna at mailayo ang publiko laban sa COVID-19.

Sa ngayon, nasa 119, 671 na 4Ps Beneficiaries na ang tumanggap ng kanilang COVID-19 vaccines.