Advertisers
SA libo-libong bilang ng mga HOME OWNERS ASSOCIATION (HOA) sa buong bansa ay iba’t iba ang pamamalakad ng mga ito na magkaminsa’y nauuwi pa sa pagpapatayan dahil sa isyung pondong pinansiyal na kinakailangang batasin o makagawa ng mga batas para sa iisang direksiyon sa pangangasiwa ng nasabing mga samahan ng mga magkakalugar o magkakapitbahay.
Kamakailan, nakaharap ng QUEZON CITY PRESS CLUB (QCPC) si LEIRA “ATE LEI” BUAN na 1st nominee ng HOME OWNER PARTYLIST ay ipinunto nito ang kahalagahan na makalikha ng mga batas na po-protekta sa sektor ng HOA.., na magiging unipormado ang pangangasiwa sa lahat ng mga HOA sa ating bansa.
Aniya magiging sabay-sabay ang eleksiyon sa mga manunungkulan o bagong magiging mga opisyales ng HOA; ang kasunod na buwan ay eleksiyon naman ng REGIONAL HOA CONFEDERATION OFFICERS; at ang kasunod na buwan naman ay ang eleksiyon sa magiging opisyales ng HOA NATIONAL.., na magkakaroon lamang ng kaganapang ito kung mailuluklok sa KONGRESO ang kanilang HOME OWNER PARTYLIST ngayong May 2022 national elections.
Kinakailangang makalikha umano ng mga batas para sa unipornadong koleksiyon ng mga HOME OWNERS MONTHLY DUES depende sa kategorya ng HOA.., MILLIONAIRE CLASS, MIDDLE CLASS o MAHIHIRAP NA SEKTOR.
Bukod dito ay kailangang mapagtuunan din na mabigyan ng disenteng bahay at kabuhayan ang mahihirap nating sektor sa paraang matunton ang mga GOVERNMENT OWNED LANDS at mabigyan ng espasyong mapagtatayuan sa magiging sariling tirahan ng mga naghihirap nating mamamayan.
Mga ka-ARYA.., ito ang klase ng PARTYLIST na dapat nating suportahan upang maging bahagi sila sa CONGRESS.., babalangkas ng mga batas na magsasakatuparan sa pangarap nating mahihirap na magkaroon ng sarili at disenteng bahay gayundin ng pangkabuhayan para sa ating pami-pamilya!
***
MARALITANG TAGALUNGSOD PATULOY NA INAASISTEHAN NG PCUP
Sa pandemyang dinaranas ng bansa ay patuloy ang naging pag-asiste ng PRESIDENTIAL COMMISSION FOR THE URBAN POOR (PCUP) sa mga kababayang lubos na nangangailangan partikular na ang mga maralitang tagalungsod.
Ayon sa kasalukuyang datos ng Komisyon, umabot na sa halos 200,000 ang naging benepisaryo ng relief operations nito na may layuning pansamantalang masuportahan ang mga urban poor sa aspeto ng pagkain at kalusugan.
Sa pahayag ni PCUP CHAIRPERSON at CEO USEC. ALVIN FELICIANO, “Plano ng Komisyon na mas maragdagan pa ang benepisaryo ng mga relief operations dahil na rin mas kinakailangan ng mga tao.., partikular ng mga maralitang tagalungsod, ang tulong mula sa gobyerno at iba pang ahensya”.
Parte ng relief operations nito ang programang Food Caravan ng PCUP na nakatuon sa pagpapalaganap ng food security na isang isyung nararanasan ng mga Pilipino lalo na sa panahon ng pandemya.
Naging matagumpay ang nasabing relief operations ng PCUP dahil na rin sa tulong ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno maging ang mga pribadong sektor tulad ng DSWD, PAGCOR, PCSO, Department of Agriculture, Jollibee Group Foundation, Frabelle Foods, Rebisco, at marami pang iba.
“Sa panahong nababalot ang bansa ng pangamba dulot ng pandemya at kalamidad, makakaasa ang taumbayan, lalo’t higit ang maralita, na aagapay ang PCUP sa lahat ng oras at panahon,” pahayag pa ni USEC FELICIANO.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.