Advertisers

Advertisers

Pagbomba sa bahay ng takbong Mayor, naharang

0 219

Advertisers

ZAMBOANGA CITY – Napigilan ng kapulisan ang nakatakda sanang pagbomba laban sa isang kandidato sa pagkaalkalde sa Lamitan City, Basilan.

Sinabi ni Maj. Nurhaib Bungkac, Lamitan City police chief, nakipag-ugnayan sila sa Provincial K9 Unit nang matagpuan ang isang kahina-hinalang bagay sa harap ng bahay ni Hadja Arsima Gappar sa Barangay Matibay, 8:00 ng gabi.

Si Gappar ang incumbent barangay chairperson ng Semut sa bayan ng Akbar at isang mayoralty aspirant.



Sinabi ni Bungkac na kinumpirma ng K9 and explosive ordnance demolition personnel ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) na ang nasabing bagay ay isang cellular phone-triggered improvised explosive device.

“The EOD team immediately conducted render safety procedure through disruption operation using disruptor,” ani Bungkac sa isang phone interview.



Kabilang sa mga narekonber sa lugar ang cellular phone na may subscriber identification module (SIM) card; isang blasting cap; 143 two-inch concrete nails na ginamit bilang shrapnel; at halos dalawang kilong C4 explosive; steel pipe na tinakpan ng galvanized sheet; wire; at plastic bag.

Dahil dito, nagkasa na ng imbestigasyon ang kapulisan para matunton ang suspek sa naudlot na pagbobomba.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">