Advertisers
NAGA CITY – Dead-on-the-spot ang isang babae nang barilin sa Sitio Tibanglan, Brgy. Malabanban Norte, Candelaria, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Edelyn Tacod, 24-anyos, residente ng naturang lugar.
Ayon sa Quezon Police Provincial Office, na habang nakatayo ang biktima sa harap ng bahay ng isang Nylin Lorzano nang bigla na lamang dumating ang salarin na kinilalang si Eduardo Lorzano alyas Cocoy, residente ng naturang lugar na armado ng isang short firearm at binaril sa noo ang biktima.
Sa report, nabatid na dahil sa tinamong tama ng bala ng baril ng biktima, naging dahilan ito para agad itong bawian ng buhay.
Samantala, agad namang tumakas ang salarin sa hindi malamang direksyon matapos ang naturang krimen.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad lalo na ang pagtunton sa posibleng kinaroroonan ng salarin.