Advertisers
Makalipas ang halos limang taon nang pagtatago sa batas sa kaso ng panghahalay, nadakip sa isinagawang follow up operation ng isang rapist sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigan ng Zambales.
Sa report ni P/Capt.Alfred Garcia kay PNP Provincial Director P/Col. Fitz Macariola, kinilala ang suspek na si Alvin John Belmonte, 22 anyos, at residente ng Brgy. Bayto sa nabangit na bayan.
Ayon kay Provincial Intelligence Unit (PIU) P/Maj. Beverlie B Allapitan, dinakip si Belmonte sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Branch 70 Iba, RTC Judge Marifi P Chua sa kasong Rape.
Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Iba Provincial Jail kung saan walang piyansang inirekomida ang korte para sa kanyang kalayaan.(Thony D Arcenal)